A. Panukalang Pahayag
Ang pag-aartista ay isang daan upang makilala at mapadali ang pagpasok sa larangan ng politika.
B. Introduksiyon/Paglalahad ng Suliranin
Ang paksa ng pananaliksik na ito ay tumatalakay sa mga artistang pumapasok sa larangan ng politika gamit ang kasikatan. Ang pag-aartista ay itinuturing na mabisa na paraan upang makilala ng sambayanan. Ang puhunan lamang ng isang artista ay ang kanyang galing sa pag-arte at pagganap ng mga iba’t-ibang imahe sa telebisyon, kung kaya’t kapag nagampanan niya ng maayos ang mga ito, ay makakatanggap siya ng mataas na pagkilala mula sa mga mamamayan.
Ang mahusay nilang pagganap sa kanilang papel sa telebisyon, na nakapagbibigay saya sa mga manunuod ang nagbibigay daan upang sila’y sumikat at hangaan ng mga tao. At ang kasikatan at paghangang ito ang nagbibigay daan upang mapukaw nila ang damdamin ng manununuod dahilan upang sila ay lalong mapalapit sa damdamin ng mga manunuod. Habang sila ay nasa rurok ng kaningningan, naisipan nilang pumasok sa politika. Ginagamit nila ang kanilang kasikatan bilang artista upang makalikom ng mga boto ng galing sa mga taong humahanga sa kanila para sa kanilang pagtakbo.
Ngunit, ang pag-aartista nga ba ay malaki ang maitutulong sa pagpasok sa politika? Nakakaapekto ba ang pagkakaroon ng magandang imahe batay sa ginagampanan sa isang pelikula o teleserye para makahikayat ng maraming boto?
C. Rebyu/Pag-aaral
Anong masasabi nyo sa mga artistang gustong maging pulitiko?
Ako, depende yan sa posisyon na gustong takbuhan. Ok lang siguro na tumakbo silang mayor, or gobernador, huwag lang senador or congressman. Bakit? Kasi, kung mayor sila or gobernador, tagapagpatupad sila ng batas. At dahil sa karisma nila sa tao, marami silang magagawang project, na siguradong susuportahan ng mga tao. Tingnan nyo na lang si Vilma, si Lito Lapid nung hindi pa sya senador, si Jinggoy at Erap nung mga mayor pa sila. Effective sila sa ganung posisyon. Pero kung sa senado na sila tatakbo, ibang usapan na yan. Senators ang Congressmen are lawmakers. Kailangan, may alam ka sa batas. Sa Senado at Kongreso nangyayari ang debate at kung ano anong diskusyon sa paggawa ng batas. Ano namang magagawa ng mga artista pagdating sa Senado? Anong alam nila sa batas? Pagtatawanan lang sila at paiikutin ng mga kasama nilang abogado. Look at our artista senators today. Di ba, nagmumukha lang silang tanga dun? (Marhgil, 2007)
Sa mga nanalong artista, pagandahin naman ang imahe ng artista sa pulitika
May 19, 2001
Sa mga nanalong artista, tulungan naman ninyong mapaganda ang imahe ng artista sa larangan ng pulitika.
Showbiz na showbiz pa rin hanggang sa huling bilangan ng mga balota ang resulta ng eleksyon natin. Katulad sa showbiz, ang pulitika natin ay may dalawang mukha, may masaya at may malungkot. Siyempre sa mga nanalo nandun yung kagalakan pero sa mga talunan, hindi mo maiaalis ang kalungkutan.
Hindi pa rin matapos-tapos ang mga problema at complaints. Lalo pa ngang lumala ang mga sitwasyon. Maging aral sana ito sa mga artistang nagnanais pang tumakbo sa susunod na eleksyon. Doon sa mga artista na pinalad na manalo tulad nina Aiko Melendez, Lander Perez, Vilma Santos, Lito Lapid at sa iba pa na sigurado na ang pagkapanalo, binabati ko at umaasa na magtatagumpay kayo sa bago ninyong mundo at responsibilidad na haharapin. Dahil artista kayo ay nakatuon sa inyo ang pansin ng tao. Huwag kayong magpapabaya. Nararapat lamang na suklian niyo ang pagtitiwala na ibinigay sa inyo ng mga tao. Kayo ang makapagbibigay ng bagong imahe sa mga artista sa pulitika na sa kasalukuyan ay talagang hindi naman maganda. Ibalik na ninyo ang respeto ng tao sa mga artista. Prove to them na hindi kayo sa pag-arte lamang maaasahan kundi magaling din sa public service.
Sobrang nipis lang talaga ng linya sa pagitan ng showbiz at pulitika
By Aurea Calica (February 02, 2007)
Sa mga pulitikong mahilig gumamit ng ganitong ads, hindi kayo nakakatuwa. Kung akala niyo gumaganda ang imahe niyo sa mga ganito, mali kayo. Mukha lang kayong trying hard.
At sa ibang pulitiko na nagsasabing hindi ito pangangampanya, leche kayo. Hindi lahat mauuto niyo.
Argh. Bad trip talaga.
Sabi ni Zubiri, hindi daw pangangampanya yung kanya. Tungkol lang daw sa biofuel. Leche. Kung tungkol lang sa biofuel, e bakit andun mukha mo? Pwede naman sigurong wala ka dun diba?
Sabi ni Villar, hindi daw pangangampanya yung kanya. Hindi rin daw ilegal. Kasi wala naman daw siya sa listahan ng mga tatakbo. Isa lang masasabi ko, "Ang utak mo, pare!".
Si Angara? Wala na kong ibang masasabi sa kanya kundi isa siyang TRAPO. Yun lang at di na magbabago yun.
Kay Recto at Pangilinan, hindi namin kailangan ang mga presence niyo sa mga talk at variety shows. Ang mga asawa niyo ang artista, hindi kayo. Please lang.
Si Defensor? Ahahahaha. Pa-cute ka hindi naman cute. Yun lang.
Artista sa Politika
Garenista (July 5, 2008)
Hindi na bagong issue ang pagkakaroon ng artista sa politika. Matagal na nakabaon sa ating kultura iyan. Naluluklok sila sa puwesto dahil sikat sila. Ang pagiging sikat ay isa sa aspetong dapat ikonsidera ng bawat taong nangangarap sa politika. Sa mga artista, nasa kanila na ang kasikatang kailangan nila. Hindi nila na kailangan pang gumastos ng husto para magpasikat. Sila pa ang nababayaran dahil sikat sila.
Sa panahong ngayon, sinisisi natin o nagsasabi ang mga tao ng masama sa mga politikong artista sa ating bansa. Bakit ganoon? hindi ba ang tao din ang naghalal sa kanila? eh bakit ngayon sinisisi natin sila dahil sa pagkainutil sa politika at pamamalakad sa gobyerno? sino ba ang nagkamali? mga tao bang bumoto o ang mga artistang politiko?
Sa aking opinyon, hindi masamang tumakbo ang mga artista sa ano mang posisyon sa gobyerno. Karapatan nila iyon at hindi dapat ipagkait. Hindi dapat natin kinukutya ang mga artistang nangangarap na tayo ay paglingkuran. Hindi naman lahat ng artista ay bobo at para sa akin, wala namang bobong artista. Wala naman sigurong artista na hindi rasyunal dahil nakapasok sila sa industriya na kailangan ng rasyunal na pag-iisip. Kung sila ay naging walang silbi para sa gobyerno maari natin silang sisihin pero huwag naman sagaran ang pagsisisi. Tao ang naghalal sa kanila at ang malaking sisi din diyan ay ang tao. Kung hindi ka naman bumoto ng artista, hindi ka pa rin lusot sa gusot ng mga taong bumoto sa kanila. Isa kang parte ng mga botante, bumoto ka man para sa artistang politiko o hindi.
Ngayon ay huwag na natin sisihin ang mga politikong artista sa pagkakamali nilang ginawa at sa wala silang nagawa sa gobyerno natin. Hindi pa naman huli ang lahat para baguhin ang nasa loob ng gobyerno. May susunod pa na eleksyon, maaari na nating baguhin ang mga pagkakamali sa paglagay ng basehan kung sino ang ating ihahalal na politiko. Kung sa tingin ninyo ay iboboto pa din natin o hindi, kayo ang makakasagot doon.
May sari-sarili tayong basehan sa mga bagay-bagay ukol sa politika at gobyerno. Pero sa tingin ko ay dapat na nating taasan na ito at huwag hayaang muli na mailuklok ang maling tao sa politika, mapaartista man o hindi.
Teka lang pala, bakit nga ba artista lang ang sinisisi natin? E, dahil sikat kasi sila at artista sila ang napapansin at natsitsismis. Hindi ba yung ibang politiko ay walang ginagawa? Tama, di ba? Hindi niyo ba napapansin iyon? Wala kayong kwenta kung hindi ninyo napapansin iyon. Pero sa tingin ko, pansin niyo iyon pero mas nakatutok lamang ang usisero ninyong mukha, kritiko ninyong tenga at tsimoso ninyong bibig sa mga artista. Mas pansin sila dahil sikat sila, hindi lang sa lugar na pinaglilingkuran nila pati na din sa buong bansa.
Hindi lahat ng artista na naluklok sa puwesto ay hindi nakapaglingkod ng tama sa gobyerno. Meron din naman yung mga artistang ehemplo sa politika at dapat tuluran. Hindi lamang sa mga artistang politiko kundi sa lahat ng nangangarap sa politika. Maaaring tama sa pagpili ang mga tao sa artistang iyon dahil tama ang pamantayan nila sa pagpili.
Uulitin ko, huwag din nating sisihin ang mga artistang hindi nagkapaglingkod ng maayos sa gobyerno sa panahong sila ay nasa puwesto. Tayo din ay nagkamali at hindi na dapat natin itong ulitin. Huwag na nating muling ihalal ang mga taong iyon at bumoto sa iba. Kung sa una ay sumugal tayo at natalo sa kanila. Ngayon ay iba naman dapat ang iboto.
Ngayon ay dapat ay natuto na tayo at alam na natin kung ano ang dapat gawin. Kung nagkamali dapat itama. Nagkamali man tayo noon ay dapat isautak at isapuso ang mga natutunan sa pagkakamaling iyon.
Para sa akin, hindi masama ang bumoto sa mga artistang nangangarap na tayo ay paglingkuran. Iboto natin sila kung sila ay karapat dapat sa puwestong pinapangarap nila.
Showbizifikasyon
Roland Tolentino (February 16, 2009)
Sa pananahimik at pagtanggi, huhupa ang skandalo hanggang sa madaliang pagpasok ng iba na namang skandalo. Uulit na naman ang ritmo ng pagbuking, Senate at Congress hearing, media blitz ng mga politikong gustong pumapel, at ang pag-headline ng media sa sound byte mode ng pumapapel. Sa huli, walang makukulong, magiging malamig na kanin ang whistleblower, at ang dapat makulong ay malaya pa ring makapangurakot muli.
At ito ang ugat ng anumang pagkahapo sa pagkilos. Wala namang kasing nangyayari kaya bakit pa magproprotesta. At kung magpakaganito ang pangkalahatang paniniwala, nagtagumpay na ang politika na gawing trivial ang pinakasahol at pinakapeligrosong pagdanas ng pambansa at individual na buhay. Dagdag pa rito, ang kultura ng korapsyon ay mapapatagos sa mamamayan bilang kanya-kanyang rekurso sa panlipunang mobilidad.
Ang ikalawang aspekto ay sa pamamagitan ng showbiz bilang balita. Kapag ginawang cover boy ang conspicuous lifestyle ni Willie Revillame, sold out ang magazine. Pahina kete pahina, ang mga larawan ng imported at luxurious na kotse, yate, bahay at gamit, at ang pinakamasahol sa lahat, ang write-up ay nagsasaad ng balikwas na pilontropiyang pilosopiya ng isa sa pinakakorap na figura ng kulturang popular sa bansa.
Ang tarayan ng artista ay isusulat sa tabloid, babasahin bilang balita sa morning news magazine show, magiging segment sa dalawang balita sa gabi, at magiging tampok sa weekend showbiz shows. Sa katunayan, ang balita sa gabi ay inaantay para sa balitang showbiz. Ang antisipasyon ay serialisadong tinutugunan sa pamamagitan ng pagkalat ng balitang showbiz sa news. Pinakahuli ang pinakatampok na balita. At ito ang kabaligtaran na direksyon ng balita: mula sa malalaki tungo sa maliliit na kalidad ng balita.
Kung magpakaganito ang kalakaran, ang pinakamatingkad na showbiz news ang huling alaala ng balita. Flattened ang kaibahan at disjuncture ng balitang showbiz sa balitang pangkalusugan, sports, pambansa at panlabas. Magkakasinghalaga ang turing sa krisis pang-ekonomiko at ang pagretoke ng mukha ni Artista X. At ang pinakatampok na balitang showbiz ang magiging last song syndrome sa manonood.
Kaya rin matingkad ang afinidad ng showbiz at politika, o ang artista o newscaster at ng politiko—parehong sentral ang paglikha ng spectacle para dumugin ng masa. Katawan ang pangunahing behikulo ng paniningning, pagtawag-pansin, at pagpapadaloy ng pagnanasa ng manonood sa kolektibong aspirasyon ng redempsyon. Kung magpakaganito, ang resulta ay ang matagumpay na pagkahalalal ng nauna at ikalawang henerasyon ng action stars sa Senado, Bise at Presidente; at ang unang henerasyon ng news broadcasters sa Senado at Bise.
At siyempre, bilang staged lang naman ang kapasidad nitong magbigay-artikulasyon sa kolektibong aspirasyon ng masa—kasama ang pagiging moral, matapang at matulungin ng mga ito—kapag nahalal naman ang mga figura ng showbiz, sila mismo ang kumakatawan o embodiment ng non-artikulasyon ng mismong kolektibong hinanaing. Dahil hindi naman sila abugado at walang direktang karanasan sa ligalismo, at ingles pa ang kalakaran ng tunggalian, silang sanay magbasa lamang mula sa script ay nagmamaan-maangan na lamang sa debate halls ng Senado.
Nahalalal sa pambansang politika ang mga personalidad sa showbiz, pero deadma naman ang paratihang rekurso sa mismong pambansang politika. Joiner lang sa pag-file ng mga bill, gayong mahalaga pa rin ang boto, kasing halaga ng iba pang bilang ng senador. At malamang, ito na ang definitibong sandali ng politika at politiko sa bansa—ang proximidad sa media bilang daluyan ng impormasyon sa kumakandidato, bukod sa bilyones na kakailanganin para kumandidato sa pambansang posisyon.
Sa showbizifikasyon, ang intimate na relasyon ng politika at showbiz—heto na naman ang isa pang tongue twister: ang politika ng showbiz, at ang showbiz ng politika—ay nagiging tampok. Ang nagagawa ng politika sa showbiz ay gawing pribilehiyo ang artista at sa iba pang lebel, ang producer at iba pang mayari ng negosyo bilang ikoniko. At kung magpakaganito, bilang gatekeepers ng panlasa ng masa.
Ang nagagawa naman ng showbiz ng politika ay gawing “pedestriano” at “balaj” (balahura) ang politika at politiko mula sa prim and proper na pedestal tungo sa di lamang katanggap-tanggap kundi katangkitangkilik sa masa. Props ang papel ni Vice President Noli de Castro kay Gloria Arroyo. At susustinihin ni Arroyo ang suporta kay de Castro para matiyak ang pagpapatuloy ng interes nito, lampas pa ng kanyang buhay sa presidensiya.
Nananatili sa pagbutingting ng trivial ang politika, tulad ng propensidad ng kalakaran ng media. Nananatiling politikal ang showbiz, tulad ng sistema ng patronahe sa politika. Epektibong nasasangkapan ang mamamayan sa showbizifikasyon, at sa pamamagitan ng spectacle ng pagbabalikwas maiibsan ang pananangkapang ito. Mamamayan naman dapat ang tumampok.(Bulatlat.com)
D. Layunin
Layunin ng pananaliksik na ito na maipakita ang ugnayan ng showbiz at politika. Maipakita ang pagiging daan ng pag-aartista sa pagpasok sa politika. Layunin rin ng pananaliksik na ito na makapagbigay ideya sa mga nais mapadali ang pagpasok sa pulitika. Isa pa sa layunin ng pananaliksik na ito ay ang makapagtala ng mga datos na makakapagpatunay na ang pagaartista ay mabisang daan sa pagpasok sa politika mula sa mga
E. Halaga
Ang pag-aaral na isasagawa ay makatutulong sa paglinang ng isipan ng mga mambabasa ukol sa usapang showbiz at politika. Ang mga mambabasa tulad ng mga estudyante na mayroong hangarin na gumawa ng pananaliksik sa kaparehong paksang nabanggit.
Ito ay magbibigay linaw ukol sa pagpasok ng mga artista sa larangan ng politika. Malalaman ng mga mambabasa kung ano nga ba talaga ang mga
F. Konseptuwal o Teoretikal na balangkas

Sa larangan ng showbiz umiikot ang buhay ng isang artista. Sila ay bihasa sa pag-arte, pagkanta at pagsayaw. Talent ang puhunan nila sa kanilang trabaho. Ipinapakita nila ito sa telebisyon at pelikula. Dahil sa kahusayan nilang gumanap sa iba’t-ibang imahe, nakukuha nila ang atensyon ng mga manunuod at sa katagalan ay nagiging mga masugid na sumusuporta sa halos lahat ng kanilang mga proyekto.
Sa mundo naman ng politika, makikita ang mga politikong may hangaring maglingkod sa sambayanan. Gumagawa sila ng mga proyekto na makakatulong upang umunlad at paraan upang maisaayos ang bayan. Puhunan ng isang politiko ang kagalingan sa pagsasalita sa harap ng maraming tao at magandang plataporma na ipiniprisinta tungo sa kaunlaran ng bayang sinasakupan. Dahil ditto, nakakahikayat sila ng mga mamamayan na nagbibigay sa kanila ng tiwala at makapagbibigay ng boto sa kanila sa araw ng eleksyon.
Ipinapakita sa konseptuwal na balangkas ang relasyon ng pagiging artista sa pagpasok sa politika. Kapag ang isang artista ay pumasok sa mundo ng politika, ang kanyang mga tagahanga ay ang magbibigay ng malaking porsiyento ng boto na kinakailangan niya upang manalo. Samakatuwid, ang kanyang kasikatan ay nadadala niya kapag siya ay nagging isang politiko na.
A. Metodolohiya
Ang gagamiting paraan ng mga mananaliksik ay pagsasarbey.
Ang mananaliksik ay magbibigay ng talatanungan sa mga piling estudyante ng Unibersidad ng Santo Tomas upang makakalap ng mga datos na kakailanganin o maaring makatulong sa pagsagot sa suliranin. Ang bilang ng aming hihingan ng kasagutan para sa pananaliksik ay tatlumpu. Iipunin ang mga nakalap na datos para masimulan ang pag-aayos ng resulta. Masusing pag-analisa sa mga impormasyong nakalap upang magkaroon ng tamang resulta.
Pangongolekta ng mga datos mula sa mga artikulo sa internet na makakadagadag ng impormasyon sa pananaliksik. Ito ay may kalakip na mga komento mula sa mga kritiko na nagpapahayag ng kanilang saloobin sa paksa.
B. Saklaw/Delimitasyon
Ang saklaw ng pananaliksik ay ang mga lokal na politikong artista sa Pilipinas.
Mga maaaring pagbasihan na malalaking bituin tulad nila Vilma Santos, Herbert Bautista, at Isko Moreno na ngayon ay naglilingkod sa bayan at ang mga may posibilidad pa na mga artista na tumakbo para sa susunod na halalan.
Kalakip sa pag-aaral ang naka-rekord na tinig ng bawat mag-aaral. Susuriin ng mananaliksik ang mga ito upang mabigyan ng nararapat na interpretasyon ang mga nalikom na datos.
Ang paggawa ng pananaliksik na ito ay magtatagal sa loob ng isang buwan upang magkaroon ng sapat na panahon ang mga mananaliksik na maisakatuparan ang kanilang mithiin.
C. Daloy ng Pag-aaral
Ang mga politiko nasa politika para makapasok sa pag-aartista, tapos ang mga artista naman ay nag-aartista para makapasok sa politika. Makikita natin sa ikalawang bahagi (Paglalahad at interpretasyon ng mga datos) makikita ang ganitong pangyayari Ang mga artista ay pumapasok sa larangan ng artista. Laman ng ikalawang bahagi ang mga datos na makapagpapaliwanag dito. Dito rin makikita ang interpretasyon ng mga datos na ito.
Sa ikatlong bahagi (Katotohanan sa usapang Politiko at Artista ) naman makikita ang konklusyon at rekomendasyon ng mga mananaliksik.
II. Paglalahad at interpretasyon ng mga datos
A. Introduksyon sa paksa
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga artista na tumatakbo sa politika. Maraming nagiging dahilan ang pagpasok ng mga artista sa politika. Nagiging daan ang kanilang kasikatan bilang artista ang paghatak ng boto sa kanilang pagtakbo. Maraming artista na ginagawang prayoridad ang pagbibigay ng serbisyo sa mga tao at mayroon din naming nahalal na sa pwesto at pinagpapatuloy pa rin ang kanilang pag-aartista. Ang pagtanggap ng bagong responsibilidad bilang isang politiko ay hindi tanggap ng ilan sa ating mga kababayan dahil kinilala sila bilang aktor o aktres na nakapagbibigay aliw sa mga tao at hindi bilang isang pinuno.
B. Sagot ng masa at interpretasyon ng mga datos
Ang sumusunod ay halimbawa ng talatanungang ginamit ng mananaliksik sa pagsasarbey. Kasunod nito ay ang resulta ng ginawang pananaliksik.
TALATANUNGAN
Pangalan:
Kurso:
1. Mayroon ka bang kilalang artista na naging pulitiko?
a. Oo
b. Hindi
2. Sang-ayon ka ba sa pagtakbo ng mga artista sa larangan ng politika?
a. Oo
b. Hindi
3. Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit pumapasok sa politika ang mga artista?
a. Para makapaglingkod sa bayan
b. Para mas sumikat
c. Naimpluwensiyahan lamang ng mga taong malalapit sa kanya
4. Ano ang iyong isinasaalang-alang sa pagpili ng ihahalal na kandidato na dati o kasalukuyang artista?
a. Kasikatan
b. Imahe na ginagampanan sa telebisyon
c. Karisma
5. Malaki ba ang epekto ng pagiging artista nila sa pagpasok sa politika?
a. Oo
b. Hindi
6. Sa tingin mo karapat-dapat bang maging politiko ang isang artista?
a. Oo
b. Hindi
7. Saang posisyon sa gobyerno karapat-dapat maihalal ang mga tatakbong artista?
a. Pangbarangay (Punong-barangay, Sangguniang Kabataan)
b. Lokal (Mayor, Bise Mayor, Konsehal)
c. Lehislatibo (Senador, Kongresman)
8. Sa iyong palagay, mayroon bang naiaambag ang mga artistang politiko para sa bayan?
a. Oo
b. Hindi
9. Sa tingin mo ba kung patuloy pa ring tumatanggap ng proyekto ang isang artistang politiko, ay nagagampanan pa niya ng wasto ang kanyang tungkulin?
a. Oo
b. Hindi



Sa tatlumpung sumagot ay apat ang pumili na ang dahilan ng pagpasok sa politika ng mga artista ay para makapaglingkod sa bayan, sapagkat hindi naman tiyak kung ano ang tunay na hangarin ng kanilang pagtakbo sa politika. May karapatan naman sila na pumasok sa pagpopolitika kung pinapangarap talaga nilang makapaglingkod sa bayan. Siyam naman ang nagsabing para mas sumikat ang dahilan ng pagpasok nila sa politika, marahil ay iniisip nila na gusto lamang mapalawak ng mga artista ang kanilang larangang nasasakupan kung kaya’t pati politika ay pinasok na din nila. Labing pito ang nagsabi na naimpluwensiyahan lamang ng mga taong nakapaligid sa kanya ang pagpasok sa politika. Dahil may mga tao talaga na humihikayat ng kilalang tao na magpolitika dahil inaakala nilang mapapadali ang pagkapanalo nito dahil kilala nga ito.



Sa tatlumpung sumagot, labing dalawa ang sumang-ayon na karapat-dapat maging politiko ng isang artista. Marahil kahit artista ang mga ito ay nakikita pa rin nila na may potensyal ang ma ito na maging tunay na tagapaglingkod sa baying kanilang nasasakupan. Labing walo naman ang hindi sumang ayon marahil nakikita ng mga tumugon na ang mga artista ay magbibigay lamang ng aliw para sa kanilang mga tagasubaybay at iisa lamang ang hindi sumagot.



Sa tatlumpung sumagot, siyam ang sumang-ayon na magagampanan pa rin ng artistang politiko ng wasto ang kanyang tungkulin kahit na tumatanggap siya ng mga proyekto sa telebisyon. Marahil naniniwala sila na kung talagang nais niyang magbigay serbisyo sa bayan, gagampanan pa rin niya ito. Dalawampu naman ang hindi sumang-ayon na magagampanan ng artistang politiko ang kanyang tungkulin kung tatanggap siya ng mga proyekto sa telebisyon.
III. Katotohanan sa usapang Politiko at Artista
Napatunayan sa pag-aaral na ito na malaki talaga ang epekto ng pagiging artista upang mapadali ang pagpasok sa politilka. Marami pa ring tao na ginagawang basehan ang kasikatan ng isang artista upang ito ay iboto. Ngunit sa panahon ngayon mas marami na ang taong hindi sumasang-ayon sa pagtakbo ng isang artista sa politika. Ito ay naipakita sa maliit na porsiyento ng mga sumagot na hindi sila sang-ayon sa pagtakbo ng isang artista sa politika. Isa sa nakitang dahilan ng mga mananaliksik sa maliit na porsiyentong ito ay ang karanasan sa ilalim ng hindi maganda at mahusay na pamamahala ng isang artistang politiko, halimbawa na lamang ng isang artistang mayor. Meron din naming artistang ehemplo sa politika at dapat tularan hindi lamang sa mga artistang poltiko kundi sa lahat ng nangangarap sa politika. Hindi masama ang bumoto sa mga artistang nangangarap na tayo ay paglingkuran.
Nalinaw sa pag-aaral na ito na maliit na porsiyento lamang ang pagsang-ayon ng mga tao sa pagtakbo ng ilang artista sa politika. Naaapektuhan ng mga naunang artistang nahalal na sa pwesto sa gobyerno ang pagtitiwalang makapaglingkod ng tama ang mga artistang nais nilang iboto. Iminumungkahi ng mga may akda sa mga susunod na magsasaliksik sa parehong paksa, na kumuha pa ng ibang impormasyon tungkol sa mga artista sa politika, upang mapalawak pa ang kaalaman ng mga mambabasa. Umaasa ang mga mananaliksik na mas maliliwanagan ang mga mambabasa tungkol sa isyung artista at politika.
No comments:
Post a Comment